Beat the heat sa murang tambay! Titas of Manila, nag rate ng may aircon na hangouts ngayong El Niño summer

Sa mga naiinitan, maaari kayong makitambay sa mga hangouts na ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil record breaking ang heat index sa Pilipinas, minabuti ng Facebook page na Titos and Titas of Manila na magbigay ng kanilang rating para sa mga lugar na pwedeng pagtambayan ng mga Pinoy kapag hindi na nila kinakaya ang init dulot ng summer at El Niño.

Nakatanggap ng 5/10 ang ALFAMART dahil may upuan at aircon kaso medyo walang magawa sa loob.

Mas mataas naman ng bahagya ang nakuhang marka ng 7-Eleven dahil 24 hours itong bukas at di pakialamero ang mga staff kahit matagal magpalamig dun ng mga otaw.

7/10 naman ang Abenson dahil kahit malamig ang aircon ay lagi kang susundan ng promodisers para alukin ng appliances.

Same score ang nakuha ng Ace, at kahit hindi sumusunod ang staff dito sa customers, panay naman ang titig nila.

Kahit 8/10 ang nakuha ng Jollibee, ang disadvantage nito ay ang dami ng taong nag-aabang ng mauupuan kaya’t hindi ka din pwedeng masyadong magtagal sa pagpapa-aircon.

Sa McDo, pantay sa Jollibee kaso sobrang daming magjowang nagde-date. OP ka kung wala kang dalang jowa.

9/10 ang SAVEMORE dahil bukod sa malakas ang aircon, pwede pang maki-videoke sa mga nagdedemo.

Kung aircon ang batayan, 100/10 ang Mercury Drug. Ang tanging problema ay walang maupuan at laging nakabantay si Manong Guard.