Beach drama! Dalawang asong naghihilahan sa tabing-dagat patok sa netizens

Tuwang-tuwa ang netizens sa video ng dalawang aso na naghihilahan sa beach.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng dalawang aso na makikitang naghahatakan ng tali sa beach sa Cebu.

Sa TikTok post ni PoSuey, makikita ang isang malaking brown na aso na hinahatak ang mas maliit na puting aso papunta sa dagat sa Bantayan Island.

Ilang beses namang umaayaw ang maliit na aso at pilit bumabalik sa beach at umiiwas sa tubig.

“Tara, beach tayo!” ang caption ni PoSuey. “doggies [on] the beach”.

@chapo_d_black_pug doggies in the beach. #dogsoftiktok #animalsoftiktok #petlover #beach #beachvibes #summertime #summer #bantayanisland ♬ original sound – 𝕃𝕪𝕣𝕚𝕔𝕤

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens na tila binigyan ng dialogue ang dalawang aso sa video.

“halika kana sabi ni mama maligo na tayo mamaya uuwi na mababaw lang dito di ka malulunod haha hahaha ang cute nila”

“ang cute ni dogie. Sapilitan pala to na outing”

“Ayaw niya raw kasi umitim”

“sayang daw ung Kojic nya”

“brown dog: hindi ka malulunod d2, hanggang leeg mo lang to!”

“ahahhaa c Yaya dog n stress na ayaw maligo Ang alaga”