Bayanihan para sa bakawan! DENR, hinihimok ang mga Pinoy na sumali sa ‘BakaJuan Project’

BakaJuan Project, Department of Environment and Natural Resources, Bakawan, citizen science

Dahil ramdam na ang matinding epekto ng climate change sa Pilipinas, magsasagawa ang pamahalaan ng isang citizen science program para ma-manage at maprotektahan ang mga bakawan sa Pilipinas.

Layon din ng programang ito na tinatawag na “BakaJuan Project” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mabawasan ang epekto ng climate change sa bansa sa tulong ng mga volunteers at stakeholders.

“Amid the climate emergency and destruction of mangroves, everyone has the ability to make a difference by tracking and protecting our natural resources,” ani DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, sa ulat ng Philippine Star.

Sa ilalim ng programang ito, kahit sino ay pwede sumali sa pamamagitan lamang ng paggamit ng ODK Collect app para i-verify ang lokasyon ng mangroves sa coastal barangays at magpadala ng mga drone-taken pictures sa PhilSA.

Ani ng DENR chief, malaking tulong ang citizen science para sa inisyatibong ito kaya hinikayat niya ang publiko na makilahok dito.