Buhay na buhay ang bayanihan spirit sa post ng isang professional photographer na humihiling na ma-book siya ng mga kliyente para masuportahan niya ang kanyang anak na may Duchenne Muscular Dystrophy.
Ayon kay Mang Juni Amora Alexander, nangangailangan sila ng at least Php3,300 para sa mga gamot ng kanyang anak kada linggo kaya’t napakalaking bagay na magkaroon siya ng trabaho at booking.
Aniya, hindi din siya mataas sumingil para sa kanyang professional services dahil pay what you can kasama lang ang food at transpo.
Umantig naman sa marami ang kabaitan ni Mang Juni kaya todo share naman ang mga netizens, maging ang mga Gen Z. Ang ilan pa nga ay direkta nang nagpadala ng GCash kay Mang Juni para makatulong sa pangangailangan ng kanyang anak.