Ipinagbabawal na ng pamunuan ng Apo Reef Natural Park (ARNP) ang paggamit ng single-use plastics sa buong lugar upang mabawasan ang pagkakalat sa tanyag na marine park.
Ipinagtibay ng Protected Area Management Board (PAMB) ng ARNP ang ordinansa kontra sa paggamit ng single-use plastics noong nakalipas na taon, ngunit naging dahan-dahan ang transition, ayon sa isang opisyal.
Ayon kay Krystal Dayne Villanada, protected area superintendent ng ARNP, ginawa ng PAMB ang hakbang dahil sa lumalalang problema ng pagkakalat sa pinakamalaking coral reef system sa buong bansa, at ikalawang pinakamalaking coral reef sa buong mundo.
“While most of the trash in Apo Reef is washed ashore from nearby provinces and countries, we still need to address this waste pollution problem inside the protected area,” ani Villanada sa ulat ng Inquirer.net.
“We also cannot deny that in one way or another, part of this trash that we throw ends up in the ocean due to the chronic lack of proper disposal facilities. We want to be the beating heart of the battle against marine pollution in Mindoro,” dagdag pa niya.
Bawal nang gumamit ng mga sumusunod na bagay sa ARNP:
-lightweight plastic singlet bags (plastic labo) and produce bags (sando bag);
-disposable cutlery, straws, stirrers, cups, bowls, flat plates, clingwrap, and clamshell food containers;
-carbonated, unflavored drinking water in single-use containers less than 7 liters and other carbonated and/or flavored beverages in single-use containers less than 1.5 liters;
-ready-to-drink beverages in doy/tetra packs;
-balloons and balloons sticks with cups;
-plastic-stemmed cotton buds, excluding nasopharyngeal swabs for viral specimen collection; and
-plastic-based wet wipes, excluding first aid wipes and towelettes.
Pagmumultahin ang mga lalabag sa ordinansa ng Php1,000 kasama ang oral at written warnings; Php10,000 sa ikalawang paglabag, at Php30,000 na multa sa ikatlong paglabag.
Sakaling mahuhuli pa sa ikaapat na paglabag, pagbabawalan nang makapasok sa ARNP ang violator sa loob ng isang taon.