Shelved muna ang mga timeless classics nila Raymund Lauchenco na “Farewell to You My Friends,” gayundin ang “High School Life” ni Ate Shawie, at “Heal the World” ni Michael Jackson dahil sa taong ito, patok sa graduation ang kantang “Karera” ng nation’s girl group BINI.
Sa ilang posts sa platform na X, makikitang ilang paaralan ang gumamit ng dance hit ng BINI para sa graduation.
In fairness, may rele naman ang “Karera” sa mga nagtatapos dahil sa mensahe nitong huwag magmadali sa pag-abot ng mga pangarap dahil hindi naman dapat makipag-kumpitensiya sa iba.
Ani ng OP, maganda rin ang motivation na binibigay ng kanta para sa mga kabataang magsisimula din ng kanilang bagong karera matapos gumradweyt.
these are the schools who used "Karera" as their graduation song🥹
i feel that today's generation really needs motivation to keep going in life, and that motivation is found in the lyrics of Karera <33#BINI DOMINATION!!! pic.twitter.com/eaUW8u1dGE
— 𐙚 (@jhowiph) May 31, 2024
— 𐙚 (@jhowiph) June 1, 2024