Bawal mag selpon dito! Isang café sa Amsterdam, nagtatag ng Offline Club para sa mga umay na sa gadgets

Dumami ang nais na maging bahagi ng Offline Club sa Amsterdam dahil sa stress na dulot ng teknolohiya.

Isang café sa Amsterdam ang gustong dayuhin ngayon ng mga tao bilang bahagi ng kanilang bucket list dahil sa kanilang kakaibang rule: bawal ang cellphone at gadgets sa loob.

Ayon sa isang report ng Inside Edition, nagtitipon-tipon ang mga customer para sa gathering na tinatawag na Offline Club sa Café Brecht tuwing araw ng Linggo. Iniiwan ang mga gadgets sa may pintuan at ang mga customer ay tumatambay sa café para magbasa, magkwentuhan at mag disconnect sa technology.

“The offline club is a way for people to detox from their rushed daily lives and ever-connected lives and full of notifications and its people who are unhappy with their social media usage or phone usage and screentime and want to do reset and get back to real connection,” ani Ilya Kneppenhout, co-founder ng Offline Club.

Ang mga pagtitipon ng Offline Club ay nahahati sa ilang bahagi. Ang una ay quiet time kung saan ang mga miyembro ay pwedeng magbasa, magsagot ng crossword at Sudoku o magpahinga lamang sa isang tahimik na space. May time din para sa socials kung saan malayang magkwentuhan ang mga miyembro ng walang istorbong tawag o online message.

Ani ng mga miyembro, masaya sila na nakakapag focus sila sa present at sa kung ano ang kanilang ginagawa kaysa mahati ang kanilang atensiyon sa kung ano-anong bagay na nakakapag pa-stress sa kanila.