Bawal eat-and-run! Kasal sa Bacolod City, laughtrip ang dala dahil sa ‘Panatang Hindi Uuwi Pagkatapos Kumain’

Sa halip na tradisyonal na panata, “no eat-and-run” oath ang pinaulit sa mga bisita sa isang wedding reception sa Bacolod City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagbigay good vibes sa TikTok ang isang kasal na may kakaibang twist dahil ang mga bisita ay pinagbigkas ng isang panatang bawal ang eat-and-run.

Sa nakakatawang video na ibinahagi ni @eking_billy, makikita ang mga bisita sa isang wedding reception sa Bacolod City sabay-sabay na nagrereceite ng “Panatang Hindi Uuwi Pagkatapos Kumain” sa wedding reception.

Imbes na tradisyonal na panata, ginawa itong nakakatawang paraan ng host para siguraduhing manatili ang mga bisita hanggang dulo ng kasiyahan. Tila naging perfect reminder ito na sa handaan, hindi lang pagkain ang pinupuntahan, pati bonding at saya.

@eking_billy

Para sa mga bisitang Eat and Run!🤣Panatang hindi uuwi pakatapos kumain sa kasal kasi may Corkage Fee😭🤣👏👏👏

♬ original sound – Bil Ly

Tawang-tawa rin ang netizens sa comments:

“Dapat pala requirement na to sa mga kasal HAHAHAHA”

“BWHAHHAHAHAHHAHHAHAHHA ma try nga”

“Bigla tumahimik nung sinabing ako magbabayad 😂”

“Omg this is so funny HAHAHA”