Bawal ang seryoso! Gus Abelgas, Pinky Webb at Korina Sanchez, aliw sa bagong ad ng Klook

Bumenta sa mga netizens ang makita ang nakakatuwang side ng beteranong mamamahayag na sina Korina Sanchez, Gus Abelgas at Pinky Webb sa bagong ad ng Klook.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Matapos mag-viral ang ad ni Ces Drilon para sa isang milk tea brand, ang kanyang mga kasama sa industriya na sina Gus Abelgas, Pinky Webb, at Korina Sanchez naman ang kinuha ng travel site Klook para sa kanilang pinakahuling advertisement.

Sa isang nakakatuwang video, ginamit ng tatlong beteranong mamamahayag ang kanilang galing sa pagke-kwestyon para gisahin ang isang biyaherong naghanda ng isang travel itinerary para sa Hong Kong.

Nakakaaliw ang naging atake ng video kung saan ginamit ni Gus Abelgas ang kanyang mala-siyentipikong pagtatanong at signature intonation para makuha ang ebidensya na magiging matagumpay ang lakad.

Para naman kay Pinky, ginamit niya ang kanyang signature hair flip at ang kanyang masusing pagtatanong tungkol sa travel plans. Si Korina naman ay naghanap ng mga kakaibang mga ganap para maging masaya ang byahe.

“Omg the best!!!! Namiss ko silaaaa!”

“It’s the hair flip for me hahaha yeass!”

“Looking forward to the next episode!”

“Best ad goes to klook! Hahaha aliwan fiesta. Char! Galing nyo po tatlo nina Ms. Korina at Sir Gus.”