Aksidente lang na masimulan ng Batangueñang si Patricia Mirambil ang kanyang mga Barbie-inspired post, pero nang pumatok ito sa social media ay aminado naman siyang kinarir na din niya ito.
Kaya naman si Patricia, ngayon ay may bansag nang Barbie Batangueña, ayon sa isang post ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
“Nu’ng napansin kong sinasabi ng mga tao na kamukha ko si Barbie, naisip kong gawing content. Nung umpisa, simple lang talaga ‘yung get-up ko. Naka-jacket lang ako at nasa likod ng kurtina. Iisang frame lang din ‘yung video, sa loob lang ng kwarto. Hanggang lumalabas na ako, pumupunta sa fishball-an at mas nag-eexplore ng ibang locations,” ani Patricia.
Nang nakarating na ang kanyang content sa Manila, ay tsaka niya napag isipang mamuhunan na sa mga outfits, wigs at iba pang accessories para naman mas marami pa siyang Barbie characters na mairampa.
Ngayon naman, naging bahagi na sa normal routine na ang kanyang Barbie look at aliw din siya tuwing may magpapa-picture sa kanya. Nakabuti din sa kanya ang kanyang newfound fame dahil bumalik ang kanyang motivation sa buhay, salamat kay Barbie.
