Batang with honors sa Bukidnon na di umabot sa recognition program dahil tumulong sa ina magtinda ng gulay, hinangaan ng netizens

Kinaantigan ng netizens ang estudyanteng with honors na na-late sa kanyang recognition program dahil tinulungan muna ang in ana magtinda ng gulay.

Naantig ang puso ng mga netizen sa post ng isang guro sa Valencia City, Bukidnon na kung saan hindi na naabutan ng kanyang estudyanteng nakakuha ng with honors ang recognition program dahil nagtinda pa muna ito ng gulay.

Ayon kay Teacher Delia Buaya, dumating si Vivilyn Sagmao at ang kanyang ina sa Lilingayon Central School na may dala pang palangana na may tira pang panindang gulay.

Kahit hindi na umabot, ipinasuot pa rin ni Teacher Delia ang medalya kay Vivilyn dahil honor student ito. Nakakuha rin siya ng tatlo pang award bilang Most Truthful, Most Respectful, at Most Kind.

Binilhan naman ng damit ni Teacher Delia at ipinag-grocery ang mag-ina.

Maraming netizens ang humanga kay Vivilyn dahil bukod sa masipag ito mag-aral, tumutulong pa siya sa kanyang magulang.

“Lumalaban nang patas unta ma swertehan ni silas dagan sa panahon (Sana swertihin sila pagdating ng panahon).”

“bilib ko ani na bata, ug makaproud sab ang mama (Bilib ako sa batang ito at nakakaproud din ang mama).”

“Congrats never stop on dreaming!”