Tradisyon ng mga Pilipino ang pagmamano bilang pagpapakita ng respeto sa nakakatanda, kaya naman ang batang si Keonna, kahit ang mannequin na akala niya’y tao, ay hindi pinalampas para magbigay galang.
Ang kaso, natanggal ang braso ng mannequin dahil sa kanyang pagmano. Dahil sa gulat, naiyak na lang si Keonna.
“Bakit ka pa kasi nagmano? Ayan tuloy,” ang natatawang sabi ng kanyang ina na si Lyca Mutya Salazar, na siyang nag-upload ng video sa Facebook.
Marami ang natuwa sa pagiging magalang ni Keonna, pero hindi rin mapigilan ng mga netizen na matawa sa pangyayari:
“Sobrang magalang na bata hehe ayan natanggal tuloy ang braso 


“
“very good Keonning

nakakatuwa ka
“
“Natuwa ako kc magalang cya pero natatawa ako sakit tyan ko e
“