Tumawid sa sapa, umakyat sa matarik at matalahib na daanan. Hindi inakala ni Teacher Charisse na ganito ang daan na kanyang tatahakin, maihatid lamang ang mga pinamiling groceries para sa kanyang estudyante na si Roi. Katapusan noon ng linggo at walang pasok.
Si Roi, isang mag-aaral ng Bukal Elementary School sa bayan ng Nabunturan, Davao de Oro, ay nakita ni Teacher Charisse kamakailan na kumakain ng kanin lamang sa kanilang recess. Maging ang mga kaklase ni Roi ay napansin na wala siyang ulam.
Agad naman silang hinikayat ng guro na mag-share ng kanilang baon kung may sobra, at agad namang ginawa ng mga kaklase ni Roi.
Nakunan niya ito ng video at inupload sa TikTok para ipakita ang pag magandang-loob ng mga kaklase. Umabot sa 3.3 million views ang nakaka-inspire na video na ito.
@miss_charisse 🥺 #teacher #longervideos #🥺 #misscharisse #foryou ♬ original sound – Ms. Charisse👩🏫✨
Naisip naman ni Teacher Clarisse na ipamili ng groceries ang kanyang estudyante nang sa may makain naman ito. Nagulat siya na ang araw ng pagdalaw niya kay Roi upang ihatid ang mga pinamili ay isang mahalagang araw—ika-anim na kaarawan pala ito ng bata!
“Timing ngano kay birthday pa gid nimo (Timing pa at birthday mo pa),” saad ng ina ni Roi na naiyak din sa pagdating ng guro.
@miss_charisse update po sa student ko, Before I posted the video may consent po ako sa parents niya po❤️ #teacher #longervideos #misscharisse #🥺 ♬ original sound – Ms. Charisse👩🏫✨
Maraming netizens ang naantig ang puso ng naunang viral video. May isa pang nagsabi na hindi siya makatulog dahil naiisip niya ang kalagayan ng bata.
“Hi Teacher, I can’t sleep po hindi po mawala sa isip ko ang bata. Can I help him? And isa pa po gusto ko pa sana mapakain din ang lahat ng kaklase [niya],” saad ng isang netizen.
Marami pang nagpaabot ng tulong kaya nitong Miyerkules, nagkaroon ng handa si Roi. Ayon kay Teacher Clarisse, mayroon nag magandang loob na magpa-birthday cake at pa-Jollibee para sa bata at pati na rin sa mga kaklase niya.
@miss_charisse Thank you po❤️ Sobrang Happy ng Birthday Boy🥰 #happybirthday #longervideos #teacher #misscharisse #studentteacher ♬ original sound – Ms. Charisse👩🏫✨
Kita ang saya sa mukha ni Roi habang kinakantahan ng “happy birthday” ng kanyang mga kaklase bago niya hipan ang kandila sa cake.
Tinanong ni Teacher Charisse si Roi kung “happy” siya, sumagot naman ito ng “oo” na medyo nahihiya pa.
May netizen din na nagtanong kung nakakain din ba ng handa ang mga kapatid ni Roi at magulang, ito ay sinagot ni Teacher Charisse sa pamamagitan ng pag- upload ng isa pang video na naghatid sila ng Jollibee at cake sa mga ito.
“Sa mga tumutulong thank you! And thank you Ms. Charisee for doing this..we need more of you in this world. God bless you po,” ani ng isang netizen.
@miss_charisse Replying to @avearcilla Happiest Birthday again Roi🥰 Thank you to our generous sponsor na dili magpa mention. May God continue to bless you❤️🥰 #happybirthday #longervideos #teacher #misscharisse #studentteacher ♬ Chill Vibes – Tollan Kim