Ang Salubong ay isa sa pinakamasayang okasyon para sa mga Katoliko dahil pinagdiriwang nito ang muling pagkabuhay ni Kristo. Pero sa San Isidro Labrador Shrine sa Pulilan, Bulacan, naging mas memorable pa ito nang maganap ang isang nakakatawang eksena sa tradisyong ito.
Habang isinasagawa ang Salubong, isang batang anghel na nakatakdang mag-alis ng bel oni Mama Mary ang nahirapan sa kanyang misyon.
Sa TikTok post ni netizen @ellezor, makikita ang batang anghel na unti-unting binababa mula sa platform para kunin ang belo, pero may maliit na problema—hindi niya maabot ito!
Dinig na dinig naman sa kanyang microphone ang pagamin niyang hindi niya maabot ang belo, na siyang nagdulot ng tawanan sa mga nakiki-Salubong.
@_mariano0519 Salubong 2025 “Hindi ko abot” Ang cute ng angel ngayon haha . Ngayon lang ako nakakita na angel sa salubong na kumakanta. #salubong2025 ♬ original sound – Ellezor
Binawi naman ng anghel ang kanyang moment matapos niyang mapabilib ang audience sa kanyang pag-awit habang binaba mula sa platform.
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa pagiging cute ng anghel:
“Even angel seeks help from her mom or maybe, she sought help from mama mary as well”
“Apacute hehe”
“yeheyyy very good little angel,salubong sa mama Mary,”
“cute para talaga syang angel lalo pag nagsalita sa lapel”
“mama hindi ko abot..ang cute naman baby”