Batang 5-taong-gulang na may brain tumor, nagpahanga sa isang singing contest, netizens na-inspire magbigay tulong

Kinagiliwan ng mga netizens ang isang 5-taong-gulang na bata nang sumali ito sa isang singing contest ngunit marami ang nagulat na ito pala ay may malubhang sakit.

Marami ang humanga sa limang-taong-gulang na bata sa Cotabato ng sumali ito sa isang patimpalak sa kantahan sa kanilang barangay.

Sa murang edad ay napahanga ni Dianne Calawigan ang mga netizens at maging ang mga personal na nanonood sa patimpalak dahil sa maganda niyang boses.

Napuno ng palapakan ang basketball court habang madamdamin niyang kinakanta ang awiting “Habang Ako’y Nabubuhay.”

“Sin-o na bata ka very good (Kaninong anak yan? Ang very good)! komento ng isang netizen sa video nung mag live ang ina nitong si Mae.

“Wow! Katalented! Galing-galing kaayo(Wow! Ang talented! Ang galing-galing talaga)!” sabi naman ng isang netizen.

Biro ni Mae sa netizen, nagmana daw sa kanya ang kanyang anak.

Sa isa namang video na inupload ni Kub Kub TV, marami din ang na-amaze kay Dianne.

“Super cute ang galing ni baby na kumanta ipagpatuloy mo yan,” sabi ng isang netizen na humanga sa boses ng bata.

Courtesy of Kub Kub TV/Facebook

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, si Dianne, ayon sa kanyang ina, ay may brain tumor at naapektuhan na nito ang paningin ng bata. Ito ay inamin mismo ni Mae sa uploader na si Kub Kub TV sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Sinagot naman ni Mae ang mga netizens na nagdududa sa post ni Kub Kub TV na nanawagan ng tulong para kay Dianne.

“Ako po ang mama ng batang ‘yan totoo pong may karamdaman si baby ngpapasalamat po ako kay ma’am kasi po naishare nai-share ang video ng aking baby ..hindi po nagsisinungaling si ma’am…,” sagot ni Mae bilang pagpapatunay sa sakit ng kanyang anak.