Cool na cool pa rin hanggang ngayon si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, batay sa post ng kanyang anak na si Jake Ejercito.
Si Jake, na sinusundan ng kanyang mga fans dahil sa mga nakaka-good vibes na post tungkol sa kanilang mga adventures ng kanyang anak na si Ellie, ay talagang sanay na magbahagi ng mga nakakatawang ganap sa kanyang pamilya.
Sa pinakahuli niyang post, ibinahagi ni Jake ang nakakatuwang interrogation ng kanyang ama habang sila ay nag aalmusal tungkol sa kulay ng kanyang buhok na ngayon ay blonde na.
Bukod sa mga comments tungkol sa kalusugan ni President Erap, napansin din ng netizens ang sosyal na menu sa hapag ng mga Estrada.
“Haha ang cute ni ex president”
“Almusal ba yan? mayayaman parang buffet na ah hehe naol”
“Hala sya! Bakit ka nagcp habang kausap ka ni sir Pres Erap? Bigla ka tuloy na question ng dad mo sa hair mo. Wag ka daw kasi magcp habang nasa hapag kainan.”
“Baka po iinitin nalang nila for lunch and dinner hahahhaha”
“Ang sarap nman NG pagkain”