Basketball MVP by day, beauty queen by night: Kilalanin ang viral beki player, Yasmine Dido Villanueva

Kinakabiliban ngayon ang pangmalakasang basketball skills ng beking si Yasmine Dido Villanueva ng Ilocos Norte.

Madalas na biro sa mga myembro ng LGBTQIA community ang pagkakaroon ng dalawang katauhan – lalaki sa umaga at babae sa gabi.

Hindi naman naiiba si Yasmine Dido Villanueva ng Ilocos Norte. Pero, imbes na lalaki o babae, ang pagkatao niya ay nahahati sa pagiging isang star player sa basketball court at Star of the Night ng beauty pageant.

Sa kanyang Facebook posts, makikitang beterano ng mga liga ng basketball si “Queen Dido” dahil sa kanyang mga pang bardagulan na moves sa court.


Pero kapag walang laro, busy naman ang “Baklang Dragona” sa pagrampa sa mga gay beauty contest ng Ilocos Norte.


Sa panayam ng News5 kay Yasmine, kinwento niya kung paano niya nalampasan ang mga pangungutya sa kanya nung nagsisimula siyang maglaro ng basketball.

“Nung una, hindi pa nila ako gusto sumali. Nung pinakita ko sa kanila ang skills ko sa pagba-basketball, dun nila natanggap na kaya ko pala maglaro,” ayon sa kanya.

“Hindi na ako napipikon sa ngayon. Kahit ano na sabihin nila… KEBS!” dagdag pa ni Yasmine.