Basic sa mga Pinoy na kahit umuulan o bumabaha, tuloy pa rin ang basketball. Pero minsan, kahit gaano ka pa kagigil tumira ng three points, kailangan mong magbigay daan sa mga titang may Zumba session.
Sa viral TikTok video ni netizen @chuckwayne_lopez, makikita ang barkada na ready na sana sa isang game, pero naunahan sila ng mga certified Zumba queens sa covered court.
Imbes na magsiuwian na lang sa bahay, nagdesisyon ang magkakaibigan na humataw na lang at makijoin sa Zumba session.
@chuckwayne_lopez
Aliw na aliw ang mga netizens sa unexpected crossover na ito:
“kapag nag babasketball kayo lodz sali rin sila sainyo ah”
“talo pa yung nag zuzumba e”
“career na career ni kuyang naka-black shirt e”
“halatang nakapag practice kagabi eh”