Basic! Matalinong muning, walang hirap na tinalo ang amo sa larong pantao

Ipinamalas ng isang madiskarteng muning kung paano talunin ang among
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw ang netizens sa isang video ng isang among nakikipaglaro ng “Swing the Ring” sa kanyang alagang pusa at walang kahirap-hirap siyang natalo nito.

Sa isang post ni iBillyXO sa social media, ipinakita niya ang dalawang magkatunggali, ang pusang si Teddy at ang kanyang amo na nagpapaunahan kung sino ang unang makakapaglock ng ring sa hook na nasa gitna ng pole.

Makikita ding nakailang attempts ang amo na ma-shoot ang ring sa hook pero hindi ito nagtatagumpay pero nung si Teddy na ang bumitaw ay agad nitong nadaig ang amo. Ayon sa ilang commenters, karaniwan itong nilalaro sa mga inuman at kung sino ang matalo ay iinom.

“That’s nothing! I lose to my cat at chess all the time.” “Teddy even gave her a head start” “Why tf is she tossing the ring” “It’s not your fault. Cats understand physics like no human ever will.”