Kahit kaunti lang ang panahon mula nang ianunsiyo ng Miss Grand International organization na si Miss Philippines CJ Opieza na ang magsusuot ng korona, hindi ito naging hadlang para sa Pinoy designer na si Mak Tumang para makalikha ng bonggang gown fit for a queen.
Sa kanyang post, inispluk ni Mak na sa loob ng tatlong araw ay nagawa niyang matapos ang gown na susuotin ni CJ para sa kanyang coronation bilang bagong Miss Grand International.
Matatandaang kinailangan ni CJ na mag-step up bilang first runner up dahil hindi nagampanan ng MGI winner na si Rachel Gupta ang kanyang mga tungkulin.
Ipinakita ni Mak ang behind the scenes na eksena mula sa pagtatabas ng tela hanggang sa pagtatahi at beadwork na pinagtulungan ng kanyang masisipag na staff para ma-achieve ang queen couture ni CJ.
Si Mak Tumang ay sumikat dahil sa lava gown na isinuot ni Catriona Gray para sa kanyang winning Miss Universe run noong 2018.