‘BARKada’ yan? Mga asong tila mga customers na nag-aabang ng inorder sa restaurant, kinaaliwan ng netizens

Nagdala ng good vibes sa mga netizens ang video sa TikTok ng limang asong tila mga customers na naghihintay ng inorder na pagkain sa restaurant.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Laughtrip ang dala ng video ng isang grupo ng mga aso na aakalain mong naghihintay sa isang eatery ng kanilang inorder na pagkain.

Sa Tiktok video ng Parokya ni Esther, makikita ang limang aso na iba-iba pa ang size at lahi na tahimik na nagaabang sa lamesa habang nakaupo sa kanya-kanyang upuan.

“Nag decide kumain sa restaurant ang mag babarkada,” ang caption sa Tiktok.

@esther.and.company #dogs #dogsoftiktok #doglover #furyou #dogtok #dogsofttiktok #fyp #foryou ♬ 好可爱的宝宝 – 如期而至

Aliw din naman ang mga pa-caption ng “Parokya ni Esther” matapos nito tila ginawan ng dialogue ang mga aso habang nagaabang ng kanilang pagkain.

Sabi ni Caleb, naiinip na siya sa pagiintay sa upuan ng pagkaing inorder nila.

Sinegundahan naman ito ni Sandy matapos niya magsabi ng ifa-follow up niya ang order nila.

Maya-maya pa ay dumating na ang “waiter” para dalhin ang kanilang mga inorder na pagkain.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa mga asong kuntento sa kanilang pagkakaupo sa lamesa.

“ito pala ibig sabihin ng BARKada”

“may pag pupulong ang ASOsasyon”

“ang tagal ng order dumating, poor customer service lol hahhaa…ang cute nila…ung dalawa mainipin”

“ang saya ng gathering. walang nag cecellphone”