Sa sinaunang Pilipinas, ang barter trade ang pangunahing paraan ng pagnenegosyo sa pagitan ng mga Pilipino at ibang lahi kung saan nagpapalitan ng produkto ang mga partido.
Tila isa sa mga nagmana ng tradisyon na ito ang isang aso sa Dauin, Negros Oriental matapos nitong ialok ang dala niyang dahon kapalit ang kinakain ng mga turista sa beach.
Sa TikTok post ni “Eat’s The Weekend,” makikita ang puting asong nakilalang si “Kyla” na itsurang inaalok ang dahon na nasa bibig niya sa mga turista kapalit ng pagkain.
“Mangayo daw siya ug food, dahon lang iya ibayad (Manghihingi siya ng pagkain, dahon lang ang ibabayad niya),” caption ng “Eat’s The Weekend”.
@eatstheweekend ♬ original sound – Eat's The Weekend
Giliw na giliw naman ang mga netizens sa kakaibang gimik ng aso para lang makakuha ng masarap na tsibog.
“Pag sa akin bumili ‘to, susuklian ko ng pagmamahal”
“Golden Labrador ata sya and well trained gyud sya Kay smart nga breed.”
“Beach dogs in Dauin are so friendly.”