Barista goals, achieve sa libreng internship program ng Arabica Philippines

Mag bibigay ng libreng internship ang Arabica Philippines para sa mga bagets na gustong i-level up ang kanilang hilig sa kape.

Para sa mga coffee lover at gusto maging barista, heto na ang pagkakataon na hinihintay mo!

Ang Arabica Philippines ay nagaalok ng libreng internship program para sa mga kabataan na may edad na 16 hanggang 20 taong gulang. Pati na rin ang mga out-of-school youth na gustong i-level up ang kanilang hilig sa kape ay welcome dito.

Dalawang estudyante ang tatanggapin sa bawat batch ng internship para sumailalim sa intensive training sa loob ng walong magkakasunod na weekends sa Arabica BGC branch.

“This is even a priority to us to give [an] opportunity to those who will really benefit from it or to those who don’t have access to these types of training,” ani Koko Tamura, Arabica Philippines Chief Operating Officer (COO) sa panayam ng Manila Bulletin.

Sa mga papalarin na barista scholar, asahang mapapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa kape at ang kultura ng Arabica. Para sa mga interesado, mag-abang ng karagdagang impormasyon mula sa social media page ng Arabica Philippines ngayong Marso.