Barista era activated! Level up Dalgona, patok na drink panlaban sa init

May nakaisip ng ideya para ma-level up ang dating sikat na Dalgona coffee.

Summer na naman kaya’s usong-uso na naman ang mga refreshing na inumin. Kaya naman ang mahihilig mag eksperimento, nakaisip ng paraan para ma-level up ang dating nausong Dalgona Coffee para maibsan ang init ng panahon.

Sa isang video na unang pinost sa TikTok ni SharesbyKatie, pinakita ang isang recipe ng Dalgona Coffee na may halong Oreo at dark chocolate. Medyo mas metikuloso lang ang preparasyon dahil gagamit ng pang whisk at nadurog ng Oreo cookies pero swak naman ang aesthetic ng finished product.

Kailangan din siyempreng timplahin ang kape na huling idadagdag sa drink.

“It looks delicious to me! I love coffee drinks!”

“So a dessert then?”

“Yes please”