Bangsilog supremacy! Order na bangus, hindi pasok sa estetik pero winner pa rin sa TikTok netizens

Kinaaliwan ang isang TikTok video kung saan hindi sinali ang bangsilog na order ng isang kaibigan sa isang pictorial dahil hindi ito estetik, pero bida naman ito sa netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa panahong bida ang mga IG-worthy na pagkain, may isang order ang tila hindi nakasabay sa pagiging estetik.

Sa nakakatawang TikTok upload ni @‌khimsyrylquerosun, makikita ang isang barkada na abala sa pagkuha ng litrato ng kanilang IG-worthy na mga pasta at dessert bago kumain.

Maya-maya, pumaling ang camera sa isang kaibigan na tahimik na hawak ang kanyang order na classic Pinoy breakfast na bangsilog (bangus at itlog), na halatang hindi kasali sa pictorial.

@khimsyrylquerosun ang hilig mo kasi sa bangus e! @beng #fyp ♬ original sound – יחיד יחיד

Hindi man pasok sa usual Instagram standards ang itsura ng ulam, to the rescue naman agad ang TikTok netizens at ipinagtanggol ang bangus, na para sa kanila ay winner pa rin ang lasa:

“pero order mo pinaka masarap!!!”

“Bangsilog supremacy ✨”

“Hala ang sarap kaya ang aesthetic din ng bangsilog!!! The realest ✨✨✨”

“I WOULD DEF ORDER THE SAME, GIRL!”