Pinagkaguluhan ng mga residente ng Libungan Torreta sa Northern Kabuntalan na matatagpuan sa probinsya ng Maguindanao del Norte ang nadiskubreng pinaniniwalaang sasakyang pandigma ng mga Hapon noong sinaunang panahon.
Nagtulong-tulong ang mga tao sa paghila mula sa ilog ang nasabing bangka na marahil ay buhat pa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa isang video na inupload ni Refai Agar Abdul sa Facebook noong Disyembre 5, makikita na natagpuan ang sinaunang sasakyang pandigma sa gitna ng Libungan Torreta River at Libungan Northern Kabuntalan River.
Subalit wala pang eksperto o opisyal mula sa lokal na pamahalaan na nagsalita upang kumpirmahin kung isa ngang sasakyang pandigma sa tubig ang natagpuan.
Maraming netizens agad ang nag-tag sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS ng GMA-7 para ma-feature ang natuklasang artifact mula sa digmaan.
“#kmjskapusomojessicasoho na yarnn,” sabi ng isang netizen.
“#kmjskapusomojessicasoho please pakicheck po ito mam Jessica Soho,” sabi naman ng isa.
Tinag naman ng ibang netizens si Boss Toyo, isang social media content creator at influencer na nasa likod ng online show na “Pinoy Pawnstars” upang ibenta na lamang ang nasabing bangka.