Ball is life! Isang barangay sa Quezon City kinabiliban dahil sa next-level na dedikasyon sa basketball sa gitna ng baha

Mga taga Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City kebs sa bagyo at baha basta para sa bola

Kilala ang basketbol bilang paboritong laro ng mga Pilipino. Basta may ring at bola, asahan na ang mga Pinoy na maglalaro maski naka paa o tsinelas, suot man ay pantalon o long sleeves.

Pero ibang dedikasyon ang pinakita ng mga nakatira sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City sa paboritong sports ng bayan, na di alintana ang bagyo at baha na dala ni Bagyong Carina.

Sa isang Facebook post ng broadcaster na si Gretchen Ho, makikita ang mga Pinoy na game na game na nagbabasketbol sa kasagsagan ng ulan at kahit mataas na ang baha.

“Basketball never stops. Some kids and neighbors enjoying the downpour and wading in the overflowing estero of the barangay here in Brgy Bagong Pag-asa, Quezon City,” kwento ni Gretchen.

Dagdag pa ni Gretchen, hindi ito ang unang beses na nagpakita ng matinding passion sa basketbol ang naturang barangay.

“It’s the same neighborhood that never stopped playing ball amid ECQ lockdowns in the pandemic,” ayon kay Gretchen.

Muli namang bumilib ang netizens sa pagmamahal na pinakita ng mga Pinoy sa basketball.

“Very Filipino”

“Ball is life”