Balikbayan box but make it fashown! R’Bonney Gabriel ifinlex ang pagiging Pinay sa airport shot

Balikbayan box supremacy ang pinatunayan ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa kanyang airport OOTD post.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Bet na bet ng mga netizens ang simpleng flex ni Miss Universe R’Bonney Gabriel ng kanyang pagiging Pilipina sa paggamit ng balikbayan box patungo sa gaganaping Miss Universe competition.

Sa kanyang Instagram pic, ipinakita ni R’Bonney ang kanyang airport outfit na purple fur-lined leather coat. Sa kanyang likuran ay makikita ang dalawang nagsusumigaw na balikbayan boxes kasama ang lima pang maleta ng Miss Universe winner. Nakapatong dito ang designer bag ni R’Bonney na para bang normal lang itong magkasama.

“Tell me you’re #filipina without telling me you’re #filipina #balikbayanbox” ani isang commenter sa kanyang thread.

Matatandaang si R’Bonney ang kinoronahang Miss Universe noong nagdaang taon bilang kinatawan ng Estados Unidos. Bilang Miss Universe, taas noo nitong sinabi na proud siya na isa siyang half-Pinay. Sa isang panayam ay sinabi din niyang itinuturing niyang role model si Miss Universe Catriona Gray sa kanyang pageant journey.