Balikan lang daw siya paps! Pasaherong nakalimot magbalik ng helmet, siguradong safe sa airport

Natawa ang mga netizens sa sinapit ng isang Angkas rider nang makalimutan ng kanyang pasaherong isauli ang helmet at dinala ito sa airport.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang Angkas rider ang nagbigay saya sa mga netizens dahil sa picture ng isa niyang pasahero na nakalimot magbalik ng helmet habang papasok na sa airport.

Sa larawang ipinost ng Rizal Moto Ph, nagpaalam ang Angkas driver sa kanyang pasahero habang ito ay papasok na sa paliparan karay-karay ang kanyang maleta. Hindi rin nito alintana na suot pa niya ang asul na helmet ng Angkas habang siya ay palayo na.

“Mam paki ingatan mo na lang po yung helmet ko sa ibang bansa ah,” hirit ng driver.

Laugh trip naman ang eksenang ito para sa netizens:

“Balikan lng daw sya paps”

“Safety first”

“May pabaon ka pang safety Sir ha,Ikaw Sir ha”

“anlala HAHAHAHA

“Pabalik nyan Sir may kasama ng motor ayeee hahaha”