Bald ang beautiful! Ryza Cenon mas naging fierce dahil sa pagpapakalbo

Nagmistulang style icon si Ryza Cenon dahil sa kanyang confidence na ibida ang kanyang kalbo era.

Napakalaking risk para sa isang artista ang magpakalbo dahil ang buhok ay isa sa mga nagbibigay ng dagdag angas sa kanilang fierce looks. Pero hindi alintana ni Ryza Cenon ang desisyon na ito nang piliin niyang ipa-shave ang kanyang buhok para sa kanyang role sa pelikulang “Lilim” sa direksyon ni Mikhail Red.

Pinatunayan din niya na likas siyang maganda dahil kahit wala na ang kanyang buhok ay lutang na lutang ang mga features ng kanyang mukha.

Marahil, isa din sa mga lalong nagpa-astig sa look ni Ryza ay ang kanyang confidence na ipangalandakan ang kanyang pagiging bald beauty.

Hinangaan din siya ng kanyang mga fans dahil sa kanyang commitment sa kanyang role at maging sa kanyang tapang na magpakalbo kahit na maaari itong maging limitasyon ng pagtanggap niya ng mga susunod pang proyekto.

“Love it 😍… Bagay na bagay, kaya crush na crush kita”

“i just woke up and i saw your post!! YOUR 🔥Toooo HOOootttttt!!!”

“Ang ganda mo po❤️”