Balakajan! Asong napagod sa paghihintay sa amo, nag walking mag-isa

Literal na ipinakita ng isang matalinong aso na hindi niya kailangan ang kanyang amo para makapag ehersisyo.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Creatures of habit na maituturing ang mga aso kaya’t para sa kanila, mayroon silang daily routine na kailangang masunod.

Sa isang nakakatawang video, makikitang isang matalinong aso ang karay-karay ang sarili niyang leash habang naglalakad sa kanilang neighborhood. Ilang kapitbahay ang naaliw at nag video sa aso na tila ba napagod na sa pagyayaya sa kanyang amo para ilabas siya para sa kanyang afternoon walk.

Humanga pa ang ilan sa pagiging disiplinado nito dahil hindi ito umaalis sa sidewalk kaya’t safe na safe siya sa kanyang paglalakad.

(Facebook/FunnyPet)

“Well he’s technically on leash so”

“He’s like a self cleaning oven.”

“Love that he stays on the sidewalk. Lol”

“Look at his face! He’s so proud of himself.”

“I like that the neighbors thought it was funny and called him over very sweetly.”