Bakasyon ka na, may bayad pa! Kumpanya, nagpa-raffle ng 3 days leave with pay para sa mga empleyado

Wais at praktikal na papremyo ng isang kumpanya ay swak na pa-raffle sa mga darating na Christmas parties!

Sa panahon ngayon na mas prioridad ng mga empleyado ang wellness, isang kumpanya ang naging wais sa mga papremyo nito sa isang raffle draw.

Hindi inaasahan ni Shanen Sangrines, isang purchasing supervisor ng G&P Food Company sa Pasig City na siya ang mananalo sa mahigit na 150 empleyado ng tatlong araw na leave with pay.

“Deserve ko siguro kaya nabigay sa akin,” pahayag ni Shanen sa programang “Good News” na kung saan inamin niya na laking tuwa niya ng tawagin ang kanyang pangalan. Six days a week anya ang kanilang pasok. Sunday ang kanyang rest day.

Napa “sana all” din ang mga netizens sa magandang balitang ito.

“Not bad sana lahat ng company ganyan. God bless,” wish ng isang netizen sa comment section.

“Anong lugar yan hahahaahah mag apply na hahaha,” sabi naman ng isa.

“Good idea” daw ito na sana gayahin ng ibang mga kumpanya, giit naman ng ibang netizens.

Sa self-care daw ang paraan ng kumpanya para maibalik sa mga empleyado ang kanilang binibigay na serbisyo araw-araw.

Ayon kay Marlon Santos, HRD ng nasabing kumpanya, layunin nila na maging physically and mentally healthy ang kanilang mga empleyado.

Dagdag pa ni Marlon, mayroon din napa-raffle ang kumpanya na trip to Boracay plus pocket money for two at Php5,000 worth na pamper day, gaya ng spa at massage sessions.