Bagyo Ka Lang, CARATs Kami: Dance-off ng Pinoy SEVENTEEN fans sa gitna ng Bagyong Crising, viral sa TikTok

Viral sa TikTok ang mga Filo CARATs na nagdance-off sa SM Antipolo sa kabila ng lakas at hagupit ng bagyong Crising.

Bumagyo na’t lahat, hahanap at hahanap pa rin ang mga Carats ng paraan upang magkaisa at pagaanin ang nararamdaman ng bawat isa sa gitna ng bagyo sa pamamagitan ng fangirling.

Sa ngayong-viral TikTok video ni @‌gyucheollvrr, nagsama-sama ang mga Carats sa SM Antipolo upang ipagdiwang ang kaarawan ng SEVENTEEN member na si Wonwoo na nauwi sa isang enjoyable na dance-off.

Sa paglakas ng ulan at hangin na dala ng bagyong Crising, mas lumakas naman ang pag-indak ng mga Filo Carats sa sikat na kantang “Very Nice” o mas kilalang “Aju Nice.”

@gyucheollvrr juskopoh wonwoo bumabagyo na nga nag birthday ka pa chz THANK U SM @Team SVTLOVECLVB as always ✨🩷🩵 #seventeen #carat #wonwoo #ajunice #wonceinalifetimeatammb #fyp ♬ original sound – sam

Bagyo vs. Carats? Tiyak na uuwing panalo ang Carats dahil patok na patok din ito sa mga netizens:

“Hahahahah filipino carats wins!!!”

“Slaaaayy!!”

“YESSSSS GO OFFF SVT ARE THE KINGS”

“Nasa tamang fandom ako ang galing ng timing ni beshie sa gitna!!!”