Bagua yan? Misteryosong mini salamin sa isang Airbnb, pinagtripan ng netizens

Palaisipan sa netizens kung ano ang pwedeng sumilip sa mini salamin sa isang AirBnB na tampok sa isang TikTok video.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Agaw-atensyon ang isang TikTok video kung saan tampok ang kakaibang detalye sa comfort room ng isanf AirBnB: isang maliit at bilog na salamin

na nakapwesto sa pader.
Sa clip na pinost ni Lorenzo Jareño (@lorenzo86_), makikitant nilapitan pa niya ito at sinubukang sumilip, tila nagtataka kung ano ba ang silbi nito.

Hindi nagtagal, napuno ng komento ang video kung saan inihalintulad ng netizens ang salamin sa “bagua,” ang kilalang salamin sa mga horror na pelikulang Pilipino na may dalang sumpa o babala.

“na para bang sisilip sa bagua”

“Lakas maka BAGUA MIIII! 😭”

“Na para bang “ang susunod na sisilip dyan ay maaano” eh HAHAHAA”

@lorenzo86_

Ano to, salamin ng dwende? #pinoytiktok #meme #traveltiktok #fyppppppppppppppppppppppp

♬ Jet2 Advert – ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧

Kasabay ng tawanan ang pag-iisip kung saan maaaring nanggaling ang mini salamin.

“Para masama pa loob nya nung kinabit yan HAHAHAHA”

“Feeling ko nung nagtanong ka tsaka lang nila nilagay yan 😂”

“pocket mirror 😭😭😭”

“kinalas pa yan galing sa compact powder niya GAHAAHHAHA”