Bagong solusyon sa traffic: Electric ferries sa Manila Bay, Pasig River at iba pa!

Magkakaroon na ng alternatibong transportasyon ang mga commuters sa Metro Manila pag natuloy ang planong Manila Bay-Laguna Lake ferry system ng Department of Transportation.

Electric ferries ang tinitignang alternatibong transportasyon ng Department of Transportation (DOTr) para sa Manila Bay, Pasig River, Marikina River at Laguna Lake.

Mabilis at iwas-trapik ang peg ng e-ferries na ito, ayon kay DOTr Assistant Secretary Leo De Velez na nakapanayam ng media kamakailan sa Asia and the Pacific Transport Forum.

“Similar to how we did mass investments in our railway infrastructure, with our subway, with our North-South Commuter Railway, we’re looking at similar amounts of investment in our maritime infrastructure,” ani De Velez sa ulat ng ABS-CBN News.

Tinitingnan na rin ng Asian Development Bank (ADB) kung papano nila mapopondohan ang proyektong ito.

“Some examples of what they have done in other countries is they have actually financed ship vessels. They did this also in Bangkok. The ADB lent the private company money to buy and build new electric ferries to serve the river. This is one of the possible areas that ADB is exploring,” ayon kay De Velez.

May potential shipyards na rin na kinakausap ang DOTr para sa e-ferries na ito. Pinag-aaralan na rin ang posibleng energy source para sa inisyatibo.