Matapos pagkatuwaan ang ex-PBB housemate na si Will Ashley bilang nation’s son sa GMA Gala dahil ang kanyang isinamang date ay ang nation’s mowm na si Klarisse de Guzman, sa ACER Day na naman siya muling inatake ng kanyang makukulit na fans.
Noong magtabi sila ng SB19 leader na si Pablo, nagmistulang mag-ama sila dahil sa kanilang pagkakatayo sa stage. Bakas din sa mukha ni Will ang kakaibang saya na para bang bata na matagal na hindi nakita ang kanyang daddy na nag-OFW para sa pamilya.
Ang mga fans naman nilagyan na kaagad ng storyline ang picture at idinugtong na sa origin story ng Pamilya de Guzman, ang pamilyang nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya sa pangunguna ng housemates na sina Klang (mown), Shuvee at Esnyr (twins), Mika (ate) at Will (bunso).
“Nak, nalimutan ko pala mag uwi ng tsokoleyt galing abroad.”
“Proud tatay with honor ung anak”
“PABLO ‘TATAY NG LAHAT’ NASE”
“TATAY MONG GALING ABROAD PA infer magkahawig nga huhuhu”
“Kaya pala Ang galing ng bunso ..sayaw man o kanta may pinagmanahan talaga..”