Lumabas na sa wakas ang debut MV ng bagong K-pop girl group na UNIS na kinabibilangan ng tatlong Pinay na miyembro.
Matatandaang napabilang sina Elisia Parmisiano, Gehlee Dangca at half Pinay na si Jin Hyeon-ju sa mga nagkamit ng slot para mag-debut sa pamamagitan ng survival show na “Universe Ticket.”
Sa kanilang unang single na “Superwoman,” ipinamalas nila ang galing ng Pinay na makipagsabayan sa mga dayuhan. Bukod kina Elisia, Gehlee at Hyeon-ju, dalawang Hapon at tatlong Koreana pa ang kabilang sa UNIS.
Pasado naman sa K-pop fans ang unang sabak ng UNIS. Katunayan, naikumpara sila sa Twice noong nagsimula pa lang ang superstar group ng JYP Entertainment.
“They remind me ”Twice” at their debut. And it’s just a good thing because I love this song and this MV who make me smile.”
“Wow!!!!!!!! super congrats on your official debut 7 girls of UNIS today…”
“Its very a nice, awesome energetic song to listen for…”
“I love, idolize and bias you a lot more from the bottom of my heart!!!!!!!!!”
“What a good entrance in the industry”