Sa tuwing may kinakasal, sigurado itong makakakuha ng atensyon sa bawat pumapasok sa simbahan at maging sa mga nasa labas nito.
Ganito na nga ang nangyari sa newlyweds sa Manila Cathedral nang mapansin sila ng mga dayuhang turistang nagsa-sightseeing sa Intramuros. Pero hindi pa nakuntento ang mga ito sa panonood lamang ng kaganapan sa simbahan mula sa malayo dahil lumapit pa ang mga ito para magpa-photo op sa bagong kasal.
Sa TikTok post ni “Mrs Gipit,” makikita ang bagong kasal na pinalibutan ng mga turistang namamasyal sa Intramuros para makipag-selfie.
“Sometimes the best moments are the unplanned ones. Happened today during our couple’s post-nup outside Manila Cathedral,” kwento ni Mrs Gipit. “Instant tourist attraction,” dagdag pa nito.
@mrsgipit Sometimes the best moments are the unplanned ones. — happened today during our couple’s post-nup outside Manila Cathedral. Instant “tourist attraction”🥹 #WeddingContentCreation #WeddingContentCreator #Wedding2025 ♬ original sound – 🎶🎧
Nagdala naman ito ng good vibes sa mga netizens dahil sa kakaibang eksena sa kasalan.
“The wholesomeness of this video!”
“Ang cuteeeeeeeee”
“Its always the tourist appearance”
“this is very unexpected but really cute”
“cute tinaas pa nung guy ung gown mo para di nya maapakan”