Bagong Hari ng K-drama fans! Bagong kanta ng Spongecola, inspired ng K-dramang ‘Queen of Tears’

Ibang level ang pagka-fanboy ni Spongecola vocalist Yael Yuzon sa “Queen of Tears” dahil bukod sa nakapagsulat ng bagong kanta ay lumipad pa ito pa Korea para mag shoot ng MV sa mga shooting locations ng QoT.

Bilang singer-songwriter, maraming pinaghuhugutan ng inspirasyon ang mga artist na tulad ni Spongecola frontman Yael Yuzon. Kaya naman sa kanyang nakakakilig na rebelasyon, ibinahagi niya ang kanyang pinakahuling obra ay inspirado ng 10th episode ng Korean drama na “Queen of Tears.”

Ayon kay Yael, ang kanyang latest single na “Tatlong Buwan” ay isinulat niya matapos mapanuod ang 10th episode ng drama ni Kim Soo Hyun at Kim Ji Won kung saan ang karakter ni Kim Ji Won ay biniyan na lamang ng tatlong buwan para mabuhay.

“Wrote our new song Tatlong Buwan after watching episode 10 of Queen of Tears and boom, flew in and out of Korea and the music video shoot is done!” ani Yael sa kanyang Instagram post.

Hindi lamang iyon, matutuwa din ang mga kapwa “Queen of Tears” fans dahil lumipad din si Yael patungo sa mga shooting locations ng drama upang doon din gawin ang music video ng “Tatlong Buwan.”

Relate na relate naman ang mga fans ng Spongecola na mahilig ding manuod ng Korean drama.

“Galing naman! Congratulations! @‌yaelyraz episode 11 na ako. 😍”

“Grabe talaga ang inspiration from kdrama!! Excited to hear the whole song!!!”

“hahahaahah napagawa ng kanta dahil sa QOT. 😭😆”