Bagong batas, bagong buhay sa naghihingalong industriya ng asin sa Pilipinas!

Mabibigyan ng bagong buhay ang naghihingalong salt industry ng Pilipinas sa pamamagitan ng bagong batas, ang Philippine Salt Industry Development Act.

Mabibigyan ng bagong buhay ang “naghihingalong” industriya ng asin sa Pilipinas matapos maisabatas ng pamahalaan ang Republic Act (RA) 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act.

Sa ilalim ng bagong batas na pinirmahan noong Marso 11, magkakaroon ng road map para mapa-implementa ng gobyerno ang programa nito para sa development at management, research, processing, commercial at domestic na pagamit ng asin, pahayag ng Philippine Information Agency.

Isang Salt Council rin ang bubuuin para masigurado ang tamang pagpapatupad ng road map na ito. Layunin din ng bagong batas na mapataas ang produksiyon ng asin at maging bagong exporter ng asin ang Pilipinas.