Nakahanap ng bagong tahanan pansamantala ang nasa 20 asong na-impound sa Bacolod City matapos itong ilipat sa Victorias City Dog Shelter.
Inampon na ni Victorias City Mayor Javier Miguel Benitez , noong Pebrero 9, ang mga aso mula sa
Bacolod City Dog Pound. Ang mayor mismo ang personal na bumisita sa Bacolod at nagdala ng mga aso sa shelter sa Victorias.
“You can tell they’re much happier because they’re smiling and wagging their tails. The Victorias Government will take care of their needs including rehabilitation and vaccination. And then, they’ll be up for adoption. We need your help to sustain these dogs financially or adopt them so they may find a new home,” ani Benitez sa kanyang Facebook post nitong Biyernes.
Mas malaki din ang shelter sa Victorias na mayroong 500-square-meter area na kayang tumanggap ng hanggang 100 na aso. Maliit naman ang dog pound sa Bacolod dahil nasa 30 hanggang 40 lamang ang kaya nitong i-cater dahil nasa 100-square-meter lang ang lugar.
Sa tulong ng Bacolod City Veterinary Office, PAWSsion Project, at Victorias City Veterinary Office, naging matagumpay ang pag-ampon sa mga aso ni Mayor.