Bagets ni Rochelle Pangilinan at Arthur Siolinap, sorpresang bumirit ng Karen Carpenter sa videoke

Mga titas ng internet ikinatuwa ang music taste ni Baby Shiloh.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sinurpresa ng cutie pie na si Shiloh ang kanyang mommy na si dating Sexbomb dancer Rochelle Pangilinan at ang kanyang mga kabarkada nang kinuha nito ang mikropono sa videoke at inawit ang kanta ni Karen Carpenter na “Yesterday Once More.”

Ani Rochelle, nagulat talaga siya na alam ng kanyang anak ang kanta dahil hindi naman niya kapanahunan ito. Katunayan, ni hindi pa nga pinapanganak si Rochelle nang sumikat ang kanta noong 1973.

Dagdag pa ng celebrity mom, kung sakali man ay inakala niya na sa chorus lang makakasabay ang kanyang baby girl pero mula simula hanggang dulo ay itinawid nito.

Natuwa naman ang mga titas ng internet sa taste ni Shiloh sa music:

“Another multi-talented artist in the making”

“Wow mana k sa mama at papa mo baby ,Congrats po idol rochelle may baby kang beautiful at smart”

“One of my favorite song. Galing naman”

“Its yesterday once more wow galing galing nman baby Shiloh”

“Malayo din marating ng batang to mana mana tlga sa dugo yan.”