Bacolod’s Best: Kinilaw, KBL at inasal ibinida sa international gastronomy exhibition sa Italia!

Natikman ng mga dumalo sa Terra Madre Salone del Gusto sa Turin, Italy ang flavors of Negros, tulad ng kinilaw, inasal, atsara at KBL.

Bumida kamakailan sa international gastronomy exhibition sa Turin, Italy ang mga paboritong pagkain ng Bacolod City at Negros Occidental tulad ng kinilaw, inasal at KBL (kadyos, baboy, langka).

Sa pagsali ng lokal na pamahalaan sa Terra Madre Salone del Gusto, balak ni Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez na itulak ang lungsod bilang “slow food hub in Asia,” ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

Kada dalawang taon ginaganap Terra Madre na inorganisa ng Slow Food International. Kinokonsidera ito na pinakamalaking event na nakatuon sa “food politics, sustainable agriculture and the environment.”