Baby Peanut, minane ang paglilinis ng sala; patok sa netizens!

Isabella Rose, anak ng aktres na si Jessy Mendiola at host na si Luis Manzano, patok sa mga netizens sa nakakatuwang diskarte sa paglilinis ng sala.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa video ni Isabella Rose, anak ng aktres na si Jessy Mendiola at host na si Lucky Manzano, kung saan abala ito sa paglilinis ng kanilang sala.

Sa video na pinost ni Lucky sa Facebook, makikita si Baby Peanut na nagpupunas ng sofa gamit ang tisyu paper habang nagbibigay ng instructions ang kanyang ama.

Sinunod naman ni Peanut, na mahigit isang taon pa lamang, ang pagpupunas ng lamesa at ng bintana ayon na din sa “utos” ni Lucky.

“Kumuha ako ng taga linis para makapahinga si Jessy Mendiola, kaso medyo sya pa nasusunod sa mga gusto niya… ang taas pa ng sahod… pambihira naman si Isabella Rose Tawile Manzano,” pabirong caption ni Lucky.

Benta naman sa mga netizens ang video ni Peanut matapos itong purihin sa kanyang pagiging masunurin na bata at sa mabuting pagpapalaki ng magasawa sa kanya.

“Saludo ako k Luis the way he is treating his child. I’m sure, itoy dahil sa maayos n pagpapalaki din sa kanya ng mga magulang”

“Hi’ peanut sipag naman”

“Hindi ka pinapansin ng peanut mo busy cyang maglinis madumi daw ung upuan linisin nya bago cya umupo Beautiful little girl mana sa mom. Keep enjoying peanut. Godbless”

“Cute naman ng baby nyo marunong na mag punas punas ang sipag god bless”

“ang cute at ang ganda naman ng taga linis nyo dapat Ing mataas sahod nyan”

“She so cute sir Louis ang cute cute niya so pretty pa”