Baby na baby! Pitbull, ipinaghehele pa ng kanyang furmom para makatulog

Mistulang isang baby ang isang pitbull na ipinaghehele pa ng kanyang furmom sa sobrang lambing.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung ang ibang tao ay kinatatakutan ang mga pitbull, ibang iba naman ang alagang ito na babyng baby ng kanyang furmom na si Princess Altamirano.

Sa sobrang pagka-baby ay ipinaghehele pa ang pitbull na si Keng ng kanyang furmom para ito makatulog, habang umaawit ng “Ugoy ng Duyan” para ito marelax at makapagpahinga.

Makikita sa video na napakalambing ng aso at talagang nakasiksik pa ito kay Princess na parang bata.

Ani Princess sa isang panayam sa Manila Bulletin, gusting gusto ni Keng na makarinig ng kanta bago ito matulog at masaya din siya sa reaction ng mga netizens sa panunuod sa kanyang furbaby.

Ginagamit din ni Princess ang kanyang social media platforms para ipakita sa mga tao na friendly din ang mga asong pitbull na tulad ng kanyang Baby Keng.