Malapit nang umarangkada ang “At Your Service Trucks” o “AYOS Trucks” ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tumulong sa nga overseas Filipino workers at mga pamilya nito sa oras ng kalamidad o sakuna.
Makakampante na ang mga pamilya ng mga kababayan nating OFWs lalo na kung may mga hindi inaasahang mga pangyayari sa kanilang lugar, ani ng OWWA.

(CREDIT: Fuso.com.ph)
Bawat AYOS Truck ay may tulugan, banyo at kusina na pwedeng gamitin ng libre ng mga pamilya ng OFWs sa oras ng pangangailangan. May Wi-Fi din dito para mapadali ang komunikasyon ng mga pamilyang sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa abroad.
Soon, nasa key areas na ito ng Luzon, Visayas, at Mindanao para magbigay ng relief assistance sa OFWs at pamilya nila kung may kalamidad.