Dahil sa overwhelming fan demand ng mga pinalaki ng SexBomb Girls, nagbukas na rin ng “rAWnd 5” ang dapat sana ay hanggang “rAWnd 3” finale ng concert series lang ng grupo.
In-announce ni Rochelle Pangilinan ang naging desisyon sa isang post kaya’t imbes na isang gabi lang ang kanilang finale ay umabot na sa ikatlong straight night ang kanilang final concert sa Mall of Asia Arena.
Matatandaang para sa “rAWnd 3” at “rAWnd 4,” na-sold out agad ang mga tickets nang wala pang isang oras. Gayunpaman, marami pa rin ang hindi nakakuha ng tickets at humiling na mag-extend ng third night ang OG nation’s girl group.