Ayaw magpaiwan sa galaan! Asong lakwatsera, kuntodo raincoat at helmet pa pag nagmomotor

Aliw ang dulot ng isang asong lakwatsero na full gear pa pag nagmomotor kasama ang furdad.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit maulan, hindi pa rin papayag ang furbaby na si Joyjoy na hindi sumama sa kanyang furdad pag ito ay aalis sakay ng motor.

Aliw ang mga netizens na makita ang cute na asong todo suot pa ng kapote tulad ng kanyang furdad para hindi mabasa ng ulan. At hindi lamang iyon, meron din siyang sariling helmet para sure na safe na safe din siya sa biyahe.

Halatang sanay ang aso sa pagsama dahil meron din itong sariling tuntungan sa motor at kusa na siyang sumampa dito noong kumpleto na ang kanyang gear.

“Ang cute naman.nakakatuwa” “Alam na alam ni doggy na gagala sila eh hehehe .nakakatuwa talaga may alagang aso at pusa .. nakakatuwa” “mas nakikinig pa sya kesa s anak ko” “Nkakatuwa nman ni doggie,, talino prang aso nmen c choco,, mbilis ang pick up kulang nlng magsalita,,,”