Aliw na aliw ang mga netizens sa pangangarir ni Jodi Sta. Maria sa pagiging cat mom sa puspin na si Naia.
Sa kanyang bagong TikTok, ipinakita ng aktres kung paano niya pinapamper ang kanyang alaga sa pagbibigay ng massage. Mula sa face rub, head massage, chin rub at full body massage, halatang tuwang-tuwa ang kanyang alaga sa serbisyo ng kanyang furmom.
Yun nga lang, nang humihingi na ng “bayad” ang kanyang mama sa pamamagitan ng isang kiss, dinedma na siya nito.
Matatandaang natagpuan ni Jodi si Naia sa airport kaya ito ay pinangalanan niya hango sa NAIA.
@jodi_stamaria Massage time with Naia! Hello furparents! Kasama ba sa bonding ninyo ng furbabies nyo ang massage? Ano ang fave bonding moments ninyo? #naiathecat #fyp #furparent #furbaby #adoptedcats #adoptedcatsoftiktok ♬ Aesthetic – Tollan Kim
“bakit ang bait nang Orange cat nato 🥹 sakin bumabait lang kung hihingi nang food 😭🤣”
“Hi Naia! 😍 One of the most behave ginger 😄”
“wow ang laki ma Niya since napulot sa airport 🥰🥰 ang cute.”
“Naia is so lucky to have you🥺🙏🏻”