Awkward Ferrari moment! Singer Querubin Llavore, napilitang magpa-picture sa luxury car dahil sa maling akala ng may-ari

Sapilitang photo op ng singer na si Querubin Llavore sa Dubai nagpatawa sa mga netizen.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Parte na ng kasalukuyang henerasyon ang pagpapa-selfie or photo op sa mga magagandang lugar, masayang moments, o maski simpleng pagkikita lang sa mga kaibigang matagal ng hindi nakita.

“Pics or it didn’t happen” pa nga ang isa sa mga sikat na kasabihan ng mga kabataan.

Ngunit kakaiba at katawatawa ang naging karanasan ng Pinay singer na si Querubin Llavore nang napilitan siyang magpa-photo op ng wala sa oras sa isang luxury car ng isang kapwa hotel guest sa Dubai.

Ayon sa kwento ni Querubin sa Facebook, nagkaroon siya ng hindi inaasahang photo opp sa isang pulang Ferrari 488 GTB matapos siya pilitin ng may-ari nang mapagkamalaang kinukuhanan niya ito ng picture.

“Nakita ako ng owner na nag pipicture ako sa labas akala niya siguro pinicture-an ko yung sasakyan niya. sabi niya ‘Come here, take a picture with my car’ Sabi ko ‘no it’s okay i’m-‘” ang kwento ni Querubin, na sumikat dahil sa kanyang nakakatawang personality bilang “Tawag ng Tanghalan” contestant.

“Sabi niya ‘come on, don’t be shy’ Ako ‘no, i’m taking picture of the outside.’ Eh tumawa yung kasama niya which is asawa niya. Sabi din ng asawa niya ‘sige na,’” pagpapatuloy niya.

“Edi nahiya din ako tumanggi imbes nag aantay lang ako ng order ko nakapag picture pa ako sa mamahaling sasakyan,” kwento ni Querubin.

Paliwanag ni Querubin, nasa labas lang siya ng hotel para salubungin ang inorder niyang pagkain.

Dagdag pa niya, ang totoong kinukuhanan niya ay ang harap ng hotel — at hindi ang pulang Ferrari — para ipakita sa delivery rider.

“Pinicture-an ko yung tapat ng hotel which is ang SPINNEY’S para makita niya. Nang pag tapos ko mag picture di ko alam itong sasakyan nato nandon din pala sa labas ng hotel,” paliwanag ng singer.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa kakaibang photo op story ni Querubin, kabilang ang ilan na kinumpara siya sa batang pilit gusto kuhanan ng mga magulang.

“Ang awkward ng smile sis”

“ngiti nak, papasa natin kay papa mhue”

“Smile nak picture-an kita”

“Huyyyyy the facial expression says it all.”

“Naging Car enthusiast pa ng di oras”